Bedista ka ba?

May Assignment? - Bedan greeting meaning hello.

PA System - sistemang nagbibigay impormasyon sa mga Bedan.
- nagpapaalala kung ano ang dapat na kasuotan sa darating na okasyon na bihira lang namang sinusunod.

Autistic - tawag sa isang taong nagsasalita mag-isa.

Studying - pagdedelusyon na kaya mong matuto kapag ikaw ay nagbasa ng libro maghapon.

Cramming - isang gawain ng Bedan na pumapasok ng maaga at doon sa school na mismo magaaral.

Petiks - state of perfect happiness.
- state of doing something while doing nothing.

Flirt - (verb) magnanakaw ng boyfriend.

Gago - (noun) magnanakaw ng girlfriend.

Epal - Bedistang gusto makisali sa mga usapan ng iba.
- mga estudyanteng walang kaibigan.

Intermission Number - chance ng mga Bedista para ipakita ang kanilang kalokohan through dancing.

Review - ang pagbuklat ng aklat sabay tunganga.
- ang pagsulat sa yellow pad na ididisplay lamang.

Teamwork - ang pagdadala lamang ng pinaka-madaling bagay na kailagan sa grupo tulad ng scissors. Teamwork yan.

Locker - punching bag.

Assembly - ang pagtitipong-tipong ng mga Bedan sa Porgatoryo bago pumasok sa kani-kanilang kulungan.

Sabaw - state of being asleep while being awake.

PE - Playing Education/Petiks Education
- dadaan muna sa clinic bago sa gym habang may hawak na amonia.

CCC - stands for Cutting Classes Club.

Jelly Tongue - mabenta sa mga taong gustong maging mapula ang kanilang mga labi.
- powder nalang at naka-make-up ka na!

TV - nakabukas kapag umuulan para maalam kung may pasok o wala.
- nakalagay sa channel kung saan mapapanuod ang game ng school.

Stairs - Keep right. Kahit anong mangyari, wag na wag hahawakan ang handle dahil meron itong koleksyon ng laway mula sa iba't ibang henerasyon ng mga Bedistang dumudura mula 4th floor.

Signal No.2 - walang pasok hanggang bukas, pero hindi naman uulan.

Card Day - 'Act Good' Day.

Fire/Earthquake drill - nababawasan ang oras ng mga subject at napopostpone ang mga quiz. Libre sumigaw, magwala at magpakawalang-hiya.

Deadline - sa 6 months pa kunyare ang deadline at may oras ka pang gumawa pero itong proyekto ay gagawin sa araw bago yung mismong araw ng deadline.

ID - isang bagay na hugis parrisukat na may pangalan ng may-ari at may litrato nito... O litrato ng syota mo. O ng schedule mo... Scrapbook kung baga.

Ulser - makukuha mo kapag umorder ka ng pasta sa canteen.

Desk- minsan kulang, minsan sobra, minsan butas, minsan marumi pero laging tulugan.

Banyo - excuse mo para makatakas ka sa subject na ayaw mo. Magbanyo ka sa 4th floor kung nasa 2nd floor ka. Bell na pagbalik mo.

PSP - major accesory ng Geek Brigade or similar affiliations.

Walis at Daspan - props para pang lightsabers.

Basurahan - instant basketball. Kuha ka lang ng crumpled paper. Shoot, score!

Prayer - hinahabaan para mabawasan ang oras ng subject.

Libro - binubuksan bago mag-exam; patungan ng mga tulog.

1/4 - hinge ka nalang sa katabi.

Fire Extinguisher - expired na talaga... Last year pa yata.

Math Book - dalawang kilong libro na dinadala para magmukhang matalino.

DOTA - Alternative Classroom Learning Experience.

Haircut - pinakamahirap na pagsubok sa buhay ng isang studyante.

Merit at Demerit - paraan ng para imanipula ang mga studyante.

Handbook - never nabuklat.

Reply Slip - hindi nagrereply; scratchpaper.

Pahiram - (verb) pagsinabi ito, asahan mo nang 'di na babalik sa iyo.

Jacket - fashionista ang mga Bedista. Pabongahan! Mas weird mas maganda.

Worksheet - naiuuwi pero yung sagot nakukuha kinabukasan kapag nakakopya na.

Imitation of Teachers - expert mga Bedista diyan.

Angelus - tayuan agad.

Cabellero - ngiti ka lang kung alam mong may ginawa kang kasalanan.

McDo - sikat na meeting place kapag may gagawing "project".

Skwater - kung ang taste mo sa pananamit, sapatos o paggalaw ay tipong hindi nakakaakit.
- state of being jologs.

Feeler - state of being someone you're not but you don't see it.
- sa mga taong feeling angat pero baon pa sa lupa ang ugali o itsura.

Fuck - (verb) madalas napaguusapan sa loob ng campus. Pampasimula ng topic.
(noun) focker; a person who is undergoing mental stability; epal. (refer to epal)
(interj) act of surprise; expression used when surprised; usually used when pissed.

Speeches of the Rector - a spell that makes the students fall asleep on his or her chairs unaware.

Water Fountain - for display only.

Library - pinapasok ng mga taong matatalino at maabilidad. Mga taong naiinitan at gustong magpalamig.