Philippines! Hayzzz... (Part 2)

Nakasakay ka na ba sa eroplano ng Pilipinas? Un galing ka sa ibang bansa. Diba mahabang biyahe un? May pag ka mahal pa un ticket. Kaya dapat lang na makatulog ka ng maayos. Pero bakit parang un mga taong sumakay sa eroplano naten ay mukang puyat? Mukang d ata nakatulog. Tignan mo ang mga tulugan ng mga eroplano.

Boeing 747-400

Boeing 777

Canadian Airlines

Airbus A340

SQ with In-Flight TV and Telecommunications

KLM Airlines


Kaya naman pala mga mukang puyat un galing sa ibang bansa. Hindi sila nakatulog ng maayos kahit na mukang mahibing ang tulog nila.

PHILIPPINE AIRLINES


Philippines! Hayzzz... (Part 1)

Kung pupunta kayo sa ibang bansa kung saan maganda at malayo ang itsura sa Pilipinas, mamamamamama ay, mamamangha lang pala. Balik sa topic, mamamangha kayo kasi ang ganda doon, ang saya saya mo kasi nakapunta ka dun kasi maganda, pero pag balik mo sa Pilipinas ma iistress ka ka agad. Sa kapaligiran pa lang eh. At ang dami pang mga kriminal na nag kalat. Bakit nga ba hindi sila na huhuli? Pero sa ibang bansa onti lang ang kriminal. Eto ang mga litrato ng mga kotse ng pulis sa ibang bansa.

Japan - Nissan Skyline

USA - Dodge Viper

USA - Corvette

Germany - Audi

Italy - Lamborghini

France - Peugeot


At ito naman ang kotse ng pulis sa aten.

PHILIPPINES

Tingin mo, makakahuli ba yan ng kriminal?


Ano toh

YeSiR! Andito na ang Ano toh video! Mag sawa kayo! Ulit ulitin nyo! Onti lang eh, tinatamad na ako mag edit. Ang dami pang KJ at mga feeling cute.





Panatang Maka-DotA

Panatang maka-DotA
Iniibig ko ang larong DotA

Isinlang ako para mag laro ng DotA
Ito ang larong ipapasa ko sa aking mga
Susunod na salinglahi

Ang hero ko ay kanyang kinukupkop
At tinutulungan
Upang maging malakas, matatag at kapakipakinabang

Bilang ganti ay kakarnehin ko ang mga
Kalaban kong hero

Paglilingkuran ko ang napili kong base
Ipagtatnggol ko ang aking base kahit na
Mag mega creeps pa ito

Hindi ako mag qquit kahit na
Matatalo na kami

Sisikapin kong maging isang tunay na
maka-DotA
Sa isip...
Sa salita...
At sa gawa.

Mga Tanong...

Eto ang mga tanong na sasagutin ko kahit hindi naman tinatanong sa aken.



T: Sino ka?
S: Inere ako.


T: Hindi, sino ka?
S: Inera nga ako!


T: ANO PANGALAN MO???!!!
S: Ah... Secret.


T: San ka nag aaral?
S: Sa paaralan.


T: Saan paaralan?
S: Sa Pilipinas.


T: ANO PANGALAN NG ISKWELAHAN???!!!
S: Ah... Secret.


T: D nga?
S: Tignan mo jan sa gilid.


T: Bat mo ginawa ang blog na to?
S: Secret.


T: Bat ang simple ng blog mo?
S: Wala ka ng magagawa.


T: Kaklase ba kita?
S: Sino ka ba?


T: Ilan taon ka na?
S: Secret.


T: Gwapo ka ba?
S: Ako pa tinanong mo!


T: Ano sagot mo?
S: Secret.


T: T*** i**! Anong amoy un?!
S: Sorry, nautot.


T: Mabait ka ba?
S: Oo naman (pag tulog).


T: Ano height mo?
S: Hindi ako kasing tangkad ni Yao Ming at hindi rin kasing liit ni Dagul.


T: Eh anong height un?
S: Secret.


T:Bakit puro 'secret' sagot mo?
A:Secret.


T: Pede ba kita add sa FaceBook?
S: Sige...


T: Ano FaceBook mo?
S: Wala ako FaceBook eh...


T: Ano na lang cellphone number mo?
S: 0908-893-3333


T: Bat parang alam ko yan number na yan?
S: Hindi mo yan alam, wala kang alam eh.


T: Hanggang dito lang?
S: Oo.


May ttanong pa ako eh!
S: Tanong mo kay BATMAN.


T: Asan si Batman?
S: Secret.


May ttanong pa ako!
S: Sige na nga...



Magtanong ka ng kahit anong gusto mo, tapos click mo lng un button at lalabas na un sagot sa tanong mo.




Mga nakaka badtrip...

Mga bagay na nakakabadtrip pag nangyari sayo...

Bumili ka ng damit (tshirt, sapatos or pants etc). Hindi mo muna to isinusuot dahil nirreserba mo ito para sa isang matagal nang pinaghandaang okasyon. At kapag dumating ang na araw na iyon, hindi mo ito makikita, nawawala! Hanggang sa matuklasang sinuot na pala ng kapatid mo ang nireserba mo.

Itago ng kabarkada mo ang tsinelas mo or cellphone mo (o kung ano man)... Aasarin ka pa at mag paparinig na, 'Hoy! Ilabas nyo na ang tsinelas niya! Sino ba nag tago nun?' D nila isosoli iyon hanggat d ka nabbadtrip o umiyak.

May ginagawa kang isang mahirap na gawain, project or office work sa computer, pinaghirapan mo ng matagal un, malapit ka nang matapos at biglang nag hang ang computer or nag brownout. At nakalimutan mo pala itong isave... Sisimulan mo ulit sa umpisa ang masalimuot na gawain.

Ang ganda-ganda ng araw mo at bigla kang tatalakan ng syota mo. Aawayin ka dahil sa isang bagay na wala namang saysay ang pag awayan, yung parang trip lang ng syota mong awayin ka at sa kapuputak niya ay gusto mo na syang suntukin, tadyakan at pag sasampalin... Pero hindi mo magawa dahil mahal mo sya. Sa pader mo na lang ibaling. Yun ang suntukin mo! Wag ka nang mandamay sa ka badtripan mo... Wag mo na lang palalain ang sitwasyon, magkakabati din naman kayo eh.

May mag ttext sayo na hindi mo alam kung sino... Syempre rreplyan mo ng 'Hu u?' at magrreply ng 'hulaan mo' o kaya 'secret.' At nakkabadtrip pa pag nangulit at nag text ng mga di kanais-nais na messages.

Makita mo ang taong kinabbadtripan mo, dahil sablay siya or meron ding taong di mo alam kung bakit ka badtrip sa kanya. Wala naman syang ginagawa sayo.

Basta d mo lang talaga sya trip. May ganun diba? Kaya yung mga haters dyan... Intindihin na lang natin sila. Ipinaglihi ata sa sama ng loob.

May maupuang bubblegum... At d matanggal ang gum sa pants mo... Ang masama pa nun kung bago lang ang pantalon mo.

May sasabihin sayo ang taong kausap mo at hindi niya din itutuloy yung sasabihin niya, then sasabihin niyang 'd pwede sabihin' pero nabanggit na niya. At hanggang sa mamayang gabi ay d ka na makakatulog dahil naiisip mo kung ano yung sasabihin nya.

Meron ka dapat sasabihin pero na interupt ka. D mo natuloy sabihin at kapag sasabihin mo na, bigla mong nakalimutan... Sasabihin mong 'ano ba yung sasabihin ko?'At maaalala mo na lang pag wala na sa topic ng usapan yung sasabihin mo.

Sisingilin mo yung taong may utang sayo... Ikaw pa yung mahihiyang maningil, tapos pag siningil mo na siya... Siya pa ang may ganang magalit. Makakarinig ka pa mula sa kanya ng... 'Wala akong pera!' Ikaw pa ang magmumukhang masama... Pero sa totoo lang yung pinangako nyang panahon na magbabayad sya ay malapit nang mag anniversary na d pa din nababayaran. At kapag nabayaran ka na dahil napilitan siya... Sasabihan ka pang 'Ayan na! Isaksak mo sa baga mo.'

Pag usapan ka ng mga tao... D mo sila naririnig pero alam mong ikaw ang pinag uusapan dahil nakatingin sila sayo... D mo naman sila makumpronta dahil pwede ring hindi ikaw ang pinaguusapan at tamang hinala ka lang. Pero pano kung ikaw nga talaga? Diba nakakainis yun di mo alam gagawin mo, mababadtrip ka lang talaga.

Rush Hour – between 5 to 7pm ang hirap sumakay ng jeep or fx... Pag nakasakay ka na sobrang traffic naman. Sa MRT o LRT naman sobrang siksikan na at tulakan, tapos pagbukas pa ng door may lalabas pa na mga tao, magpapasukan na un iba, kaya lalo tuloy nag kakagulo.

Traffic – Madaming high blood na driver sa daan. At mga driver na nakaka highblood... Pati din pala yung mga nanghuhuli... Nakaka highblood din. D ko naman sinasabi na lahat...

Late – Sinong d mababadtrip, kung pag antayin ka ng mahigit 2 oras... Todo effort ka pang magmadali...

Mabitin - Nakakaasar un mga nag ppost sa blog ng mga bitin. Pag panget ka daw, tapos ang post mo. Pero pag gwapo


Maricar Reyes at Hayden Kho

Eto pa, Hayden Kho ulet pero hindi na si Katrina Halili... Si Maricar Reyes naman. Sige, click mo na.

Katrina Halili at Hayden Kho

Gusto mo ba mapanuod un video? Para hindi ka naman mahuli sa mga kabalastugang balita?